Donnerstag, 17. September 2009

Laban ni Noynoy, laban ng bawat Pilipino

Alam ng lahat ng Pilipino basta't nag-umpisa ang balitaktakan ay nag-uumpisa na ang pagpaplano ng dayaan. Experto dito si Arroyo. Dagdag bawas at ngayon ay ang bagong makinarya ng eleksyon. Unang pagpapakilala sa Poll Automation sa Bansa, at alam nating maraming di alam kung patutunguhan nito. Hindi natin alam kung mayroonng nakahandang pandaraya na ang administrasyon. Kung paano nila nabaliktad ang halalan noong 2004, mas nakatitiyak tayong higit ang magagawa nila sa ngayon. Si Fernando Poe Jr. ay walang nagawa kundi tanggapin ang pagkatalo na naging dahilan ng kanyang maagang pagpanaw.
Ito ang laban natin ngayon. Bagamat hindi Arroyo ang kalaban sa Election ito, dala-dala niya ang kanyang pangako sa apirante ng administrasyon na papanaluhin ang kanilang kandidato sa anumang paraan. Sanay na ang mga taong ito sa masamang salitang sinsabi sa kanila. Sanay na ang mga taong ito na idimanda o anong kaso pa ang harapin. Lagi silang panalo. May kwata at kaya nilang paikutin ang lahat ng tao, dahil sa utang na loob sa kanya. Sa sampung taong panunungkulan niya, maraming natulungang maimpluwensiya sa Bansa. Lalo pang naging maimpluwensiya dahil sa mga pabuya at pagsuporta sa anumang anggulo ng pandaraya, makita lamang maganda ang pangalan ng unang pamilya.
At ito ang laban ni Noynoy, na dapat maging laban din nating mga Pilipino. Bantayan natin ang ating boto. Huwag tayong pumayag na palitan ito ng pera na galing sa kaban ng bayan. Walang pera si Noynoy, pero may dangal siyang ipinaglalaban. Ito ang prisipyo ng bawat Pilipino. Ito ay ang makita tayong malaya, hindi lamang sa kamay ng mga kaaway, kundi higit sa lahat ay sa kamay ng makasariling naglilingkod sa bayan, maruming pulitika. Namatay si Ninoy sa atin, para makita natin ang kasamaan ng pulika sa Pilipinas. Nabuhay si Noynoy at tinaggap ang alok na ipagpatuloy ang labang ito, hindi para sa kanya, hindi para sa kanyang pamlya, kundi para sa Bayan. Para sa ikauunlad ng Bansa. Para maibalik muli ang ating pag-asa na may bukas pang naghihintay para sa Pilipinas. May pag-asa pa tayong makabangon sa kahirapan.
At ang lahat ng ito ay di madaling gawin, hindi hanggang salita lamang. Kailangan natin ang kapit bisig na pagsasakripisyong itaas ang Batang Pinoy sa katauhan ni Noynoy. Sumama tayo at saksihan ang laban niyang ito. Laban ni Noynoy, laban ng bawat Pilipino.

Keine Kommentare:

Kommentar veröffentlichen